Kumpiyansa ang Malakanyang na agad maaaprubahan ang Emergency Use Authorization o EUA ng Sinopharm sakaling makapagsumite na ito ng mga kinakailangang dokumento.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, na hindi magiging mahirap ang pag-apruba sa EUA ng Sinopharm dahil ito ang ginagamit sa 25 bansa na pawang nagkaloob ng eua sa naturang COVID vaccine.
Pero ani Roque, ang problema lamang sa sinopharm, ay pag-aari ng gobyerno ng China o isa itong state-owned corporation at hindi gaya ng Sinovac na isang private corporation.
Ayon sa kalihim ito ang dahilan kung bakit natatagalan ang proseso ng pag-aaplay ng EUA ng Sinopharm.
Kaya ani Roque, kinakailangan talagang mag-appoint ng representante ang Sinopharm na syang mag-aasikaso at magsusumite ng mga papeles nito sa FDA ng bansa.
Samantala umaasa naman ang palasyo na mapapabilis na ang pag-aaplay ng EUA ng Sinopharm makaraang magpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pagnanais na iwithdraw na ang natitirang Sinopharm vaccine na ibinigay ng China bilang donasyon sa ating bansa.