Posibleng abutin ng hanggang Agosto ang pag apruba sa mahigit tatlong trilyong pisong pambansang budget para sa taong ito.
Ayon ito kay Senate Finance Committee Chair Vice Chair Panfilo Lacson kasunod ng mga pagbabago sa ilang bahagi ng national budget sa Kamara.
Sinabi ni Lacson na hindi agad a-aprubahan ni Senate President Vicente Tito Sotto ang enrolled version o ang hinimay na balangkas ng budget kung may anumang nabago mula sa napagkasunduan sa Bicameral Conference Committee.
Sa kasalukuyan aniya ay hindi naman ito ma aksyunan ng mga senador dahil walang sesyon.
Tinataya ni Lacson na aabutin ng susunod na state of the nation address ang magiging pag apruba ng 2019 general appropriations act.