Ipinagpaliban ng Energy Regulatory Commission o ERC ang pag- apruba sa mga power supply agreement o PSA na isinumite sa kanila ng Manila Electric Company o MERALCO na kinukwestyon ng mga consumer group.
Isiniwalat ni ERC Commissioner Gloria Taruc sa isang joint hearing ng House Committees on Energy at Good Government na ilan sa PSA ay kulang sa environmental compliance certificates o kwestyonable.
Kabilang sa mga pinasok ng MERALCO ang kasunduan sa power generation companies tulad ng Redondo Peninsula Energy, Atimonan One Energy at Central Luzon Premiere Power Corporation.
Samantala, itinanggi ni MERALCO Vice President William Pamintuan, ang alegasyon ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na pawang midnight deals ang kasunduang pinasok ng MERALCO sa pitong (7) power generating companies.
Iginiit ni Pamintuan na bagaman mayroong share ang MERALCO sa ilang nasabing power generation companies, hindi naman anya nila polisiya na paburan ang mga naturang kumpanya.
By Drew Nacino
Pag-apruba sa mga PSA ng MERALCO ipinagpaliban was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882