Kinakailangang munang hintayin ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang magiging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mungkahi ng mga ito na kunin na lamang ng mga mahihirap na lokal na pamahalaan sa kanilang calamity funds ang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, sa ngayon ay walang pang opisyal na tugon ang tanggapan ng Pangulo hinggil sa naturang usapin.
Pero naniniwala si Avisado na kung talagang kinakailangan ang naturang hakbang, tiyak na agad na mabibigay aniya ng kautusan si Pangulong Duterte ukol sa kahilingang ito ng union of local authorities ng bansa.
Sa huli, giit ni Avisado na sumusunod lamang ang Department of Budget and Management (DBM) sa kung ano ang kautusan ng punong ehekutibo hinggil sa paggamit ng calamity fund ng mga LGUs sang-ayon sa saligang batas.