Hinikayat ng Department Of Science and Technology (DOST) ang Senado na aprubahan na ang panukalang bubuo sa virology and vaccine institute sa bansa.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, makatutulong ang pagtatatag ng nasabing institusyon na paghandaan ang mga posible pang health crisis.
Mayroon na anya silang pondo para sa initial research ng vaccine institute kahit nakabinbinpa ang panukalang batas.
Noong hulyo ay inaprubahan sa huling pagbasa ng kamara ang panukalang magtatag ng Center for Disease Control at Virology Research Institute sa bansa.
Kabilang din ito sa mga ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State Of the Nation Address.—sa panulat ni Drew Nacino