Ikinatuwa ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang pagkaka-apruba ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ang panukalang gawing “compensable” ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng labor group, mabibigyan ng benepisyo ang mga manggagawang nagka-COVID-19 dahil sa kanilang trabaho.
Makakatanggap aniya ang mga ito ng P30,000.
Malaking tulong ito sa mga miyembro ng ECC, ng SSS at ng GSIS, maging ‘yung mga miyembro ng SSS na OFWs, kasambahay, at ‘yung mga voluntary members. Ine-estimate na may mga 12-16 million ‘yung mga miyembro ng GSIS at SSS pati ‘yung mga voluntary members na makikinabang dito sa benepisyo ng ECC kapag ikaw ay nahawa sa COVID-19,” ani Tanjusay.
Kailangan lang umano na mapatunayan na nahawaan ka o nakuha mo ang COVID-19 dahil sa trabaho.
Ang requirement ng ECC ay dati na ‘yung requirement na kinakailangan mai-prove mo sa SSS na ang sakit na nakuha mo o ‘yung coronavirus disease, halimbawa, ay nakuha mo doon sa workplace o doon sa public transporation kung ikaw ay nagko-commute at maipakita mo na ikaw ay nagta-trabaho at nahawa ka ng sakit,” ani Tanjusay. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas