Pinamamadali na ni Senador Manny Pacquiao ang pag-apruba sa panukala niyang ibalik ang parusang kamatayan.
Ito ang inihayag ni Pacquiao sa DWIZ sa kabila ng deklarasyon ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap at dapat ng wakasan ang death penalty batay sa binagong turo ng Simbahang Katolika.
Ayon sa senador, mananawagan siya ng pagdinig upang lubusang matalakay ang nabanggit na panukala.
Yes biblically andiyan ‘yan sa Bible kung Bible ang pag-uusapan binibigyan ng karapatan ang authority to impose death penalty to those who commit heinous crime even in our constitution, andiyan ‘yan. It’s not sa sarili ko, o kagustuhan ko andiyan naman ‘yan sa Bible at constitution wala naman sigurong problema, pagdedebatehan naman ‘yan. Magko-conduct ako ng hearing para mapag-usapan para maliwanagan ang lahat.
Kasabay ng paglilinaw na limitado lamang dapat ang death penalty sa ilang heinous crime, kampante naman ang Pambansang Kamao na susuportahan ng kanyang mga kasamahan ang hirit na ibalik ang parusang kamatayan.
Sa akin ‘yung heinous crime ‘yung drug trafficking, ‘yung mga pusher na ‘yan saka rape with murder saka kidnap for ransom and then robbery with murder. Kung drugs lang wala akong problema marami okay pagdating sa drugs. Tingin ko makakuha naman ng suporta ito sa [Senado] basta drugs lang.