Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng senado ang panukalang batas na magpapalawig sa voter’s registration.
Ito’y matapos i-adopt ang concurrent resolution ng senado at kamara na humihimok sa Commission On Elections na palawigin ng isang buwan.
Bukod kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, 22 Senador din ang co-author ng Senate bill 2408 o act extending the registration of voters for the 2022 national and local elections.
Mula sa kasalukuyang deadline na Setyembre 30 ay layunin ng panukala na itakda sa Oktubre 31 ang huling araw ng registration upang maiwasan ang voter disenfranchisement.
Una nang inihayag ng mga Senador na kinikilala ng korte suprema ang kapangyarihan ng COMELEC na magtakda ng deadline sa voter registration hangga’t hindi lalagpas sa 120 days bago ang aktwal na halalan.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno