Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy niyang isusulong ang ganap na pag-apruba sa BBL o Bangsamoro Basic Law ng Kongreso.
Ginawa ito ng Pangulo sa isang pulong kasama ang ilang lider ng MILF o Moro Islamic Liberation Front, mga miyembro ng Bangsamoro Transition Council, House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel sa Malacañang kagabi.
Ayon kay Presidential Advisor for Peace Process Secretary Jesus Dureza, hiniling ng Pangulo sa mga lider ng Kongreso na makipagtulungan sa Office of the President para mapag-usapan ang mga bagong “game plan” para sa tuluyang pag-sasabatas at pagpapatupad ng BBL.
Dagdag ni Dureza, nais lamang din matiyak ng Pangulo na magiging pulido ang BBL bago niya ito masertipikahan bilang urgent.
SMW: RPE