Naantala ang pagresponde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa sumiklab na sunog sa lungsod ng Malabon matapos magkaroon ng water interruption bandang ala-1 ng madaling araw.
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa barangay Tonsuya at mabilis na kumalat ang apoy dahilan para itinaas sa ikatlong alarma ng BFP ang sunog.
Sinabi ni Senior Fire Officer-4 (SF04) Kriby Banglos ng BFP, nag-iigib pa sa Portero at Navotas ang mga fire truck dahil sa kawalan ng supply ng tubig. Tumulong naman ang mga residente sa pag-apula ng apoy.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog, bilang ng mga naapektuhang pamilya at halaga ng mga napinsalang ari-arian.
Walang namang naiulat na nasawi sa sunog.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon