Posibleng abutin pa ng hanggang dalawang araw bago tuluyang maapula ang nagaganap na sunog sa Ayala Metro mall sa Cebu.
Ayon sa mga awtoridad nahihirapang pasukin ang gusali ng mga bumbero dahil na rin sa napaka-kapal na usok.
Sa imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang apoy sa toy warehouse na nasa ikatlong palapag ng establisiyemento, alas-9:30 ng gabi nitong Biyernes.
Sa ngayon ay mahigit 24 na oras nang nasusunog ang gusali at inaasahang aabot sa milyun-milyong pisong halaga ng ari-arian ang pinsala nito.
Wala namang napaulat na nasaktan at sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
—-