Tigil muna ang pagbabakuna ng Quezon City at Makati City governments para sa unang dose.
Ito ayon sa Makati at QC governments ay dahil pa rin sa kakulangan ng supply ng bakuna.
Ipinabatid ng dalawang lgu na tanging ang naka-reserba lamang na bakuna ay para sa second dose kaya’t mag a abiso na lamang sila kung bubuksan muli ang pagtuturok ng COVID -19 vaccine sa mga first timer.
Inihayag ng Makati City government na priority muna nila ang pagpaparehistro ng mga nais magpa bakuna.
Una nang itinigil ng local government ng Malabon, Muntinlupa, Valenzuela, Paranaque at Caloocan ang kanilang vaccination roll out para sa first dose.