Hinimok ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na simulan na ang pag-arangkada ng mga COVID-19 vaccine booster shot sa mga mag-aaral upang makabalik na ang mga ito ng ligtas sa mga paaralan sa Agosto o Setyembre.
Aniya dapat suportahan ang kampanya ng gobyerno sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine booster shot para ligtas nang makapagbukas ng buo ang ekonomiya at ang isang daang porsyentong implementasyon ng face-to-face classes.
Bukod pa rito upang makatiyak din aniya na wala nang magaganap na lockdown.