Ibinabala ni Health Secretary Francisco Duque, III na maaaring maging superspreader events para sa COVID-19 ang kaliwa’t kanang aktibidad ng mga national candidate kasabay ng opisyal na pagsisimula ng campaign season para sa Halalan 2022.
Ayon kay Duque, hindi imposibleng kumalat muli ang COVID-19 kung hindi susunod sa health at safety protocols ang lahat.
Hinimok din ng kalihim ang lahat ng kandidato na ugaliing tumalima sa minimum public health standards, lalo sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases.
Kabilang na rito ang physical distancing, pagsusuot ng facemask, faceshield at paghuhugas ng kamay.
Titiyakin anya ng lahat ng government agencies at concerned sectors na masusunod ang lahat ng protocols upang maiwasan ang mga superspreader event ngayong election season.