Ikinagalak ng liderato ng kamara ang pagsisimula ng vaccination program sa bansa, isang araw matapos itong dumating.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, ang naturang mga makasaysayang pangyayari ay maituturing na welcome development hinggil sa paglaban ng bansa kontra COVID-19.
Pagtitiyak pa ni velasco na magtutuloy-tuloy na ang pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa bansa.
Paliwanag pa ni Velasco, katuwang ang ehekutibo, ginagawa ng lehislatura ang buong makakaya nito gaya ng pag-apruba ng batas para mapabilis ang roll-out ng bakuna.
Bukod pa rito, naniniwala rin si Velasco na nasa magandang kalagayan na ang bansa sa pagtugon nito kontra COVID-19, at malaki anito ang tsansang makamit ang herd immunity.