Ipinag-utos na ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Davao del Norte Representative Antonio Floirendo kaugnay ng kasong graft na isinampa ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Pinapayagan si Floirendo na makapagpiyansa ng tatlumpung libong piso (P30,000) para sa pansamantala niyang kalayaan.
Matatandaang isinampa ni Alvarez ang naturang reklamo sa tanggapan ng Ombudsman noong Marso ng nakaraang taon.
Batay sa reklamo ni Alvarez, may personal na interes si Floirendo sa pinasok na kontrata sa pagitan ng Bureau of Corrections o BuCor at Tagum Agricultural Development Authority kung saan ay lugi umano rito ang pamahalaan.
—-