Tinawag na political harassment ni Vice President Leni Robredo ang pagkakaaresto kay Senadora Leila de Lima.
Ayon kay Robredo, binago ng administrasyon ang due process upang mabilis ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay De Lima kung saan nakabatay ang kaso sa salaysay ng mga kriminal.
Giit ng Pangalawang Pangulo, dapat mapanatili ang check and balance sa mga institusyon ng pamahalaan lalo na sa panahong ito na nagkakalamat na ang kasaysayan ng bansa.
Sa huli, nanawagan si Robredo sa mga Pilipino na bantayan ang kaso ni De Lima at huwag hayaang maulit pa ito sa iba pang kumakalaban sa administrasyon.
By Jaymark Dagala | Report from Jonathan Andal (Patrol 31)