Ipinagpaliban ng Sandiganbayan First Division ang pag-aresto kay North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza na nahaharap sa kasong graft dahil sa illegal procurement ng diesel fuel na nagkakahalaga ng 2.4 million pesos.
Ayon kay Atty. Thea Daep, legal counsel ni Mendoza, wala pa silang natatanggap na kopya ng ruling ng korte na nag-uutos sa pagpapalabas ng arrest warrant para sa kanyang kliyente.
Iginiit ni Daep na dahil wala silang natanggap na kopya ng naturang ruling, maaari pa aniya nilang ilaban ang inihain nilang motion for judicial determination of probable cause.
Pinagbigyan naman si First Division Chairman Associate Justice Efren dela Cruz ang kahilingan ni Daep at inatasan ang prosecution na magsumite ng komento sa nasabing mosyon sa loob ng 10 araw.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)