Itinanggi ng Malacanang na political harassment ang ginawang pagpapaaresto kay Senadora Leila de Lima.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella mayroong probable cause ang kaso ni De Lima at hindi ito politikal na bagay.
Dapat aniyang maging objective si Vice-President Leni Robredo dahil kasong kriminal ang kinakaharap ni De Lima.
Binigyang-diin ni Abella na may basehan ang pagsasampa ng kaso sa Senadora at ito ay hindi gawa gawa lamang kayat dapat na naiintindihan ito ng Bise Presidente.
By: Aileen Taliping