Umalma ang mga Senador sa nangyaring pag-aresto ng Bureau of Immigration sa 71 taong gulang na madre mula sa Australia na kilala bilang human rights activist.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, nakababahala na ang ganitong uri ng kalakaran sa pagtugis ng mga dayuhang aktibista sa bansa.
Malinaw aniyang panggigipit ang nangyaring pag-aresto kay sister Patricia Fox gayung hindi naman ito aktuwal na nakikilahok sa mga kilos protesta.
Ganito rin ang pananaw ni Senadora Nancy Binay na kumalampag sa immigration na mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga Chinese drug cartel group at mga sex offenders o Pedophiles.
Kaaway aniya ng estado ang mga terorista at drug syndicates kaya’t maituturing na over reaction sa panig ng Immigration ang pag-aresto sa matandang aktibista na wala namang hatid na panganib sa bansa.