Naiparating na ng Department of Foreign Affairs o DFA sa mga opisyal ng India ang planong pagpapa-aresto sa mga Bumbay na nagpapa-utang ng 5-6 o may 20 percent interest.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr, nakausap na nya ang Charge D’affaires ng India at positibo naman ang naging tugon nito.
Tiniyak ni yasay na agad nilang ipadedeport ang lahat ng bumbay o Indian Nationals na maaaresto dahil sa pagpapa utang ng 5-6.
Inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ni Yasay ang Indian Ambassador to the Philippines hinggil sa kanyang desisyon na wakasan na ang sobrang pagpapatubo sa lending scheme sa bansa.
By: Len Aguirre / Allan Francisco / Race Perez