Last resort na lamang o huling hakbang ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga hindi pa bakunado na magmamatigas pa rin na lumabas.
Ayon ito sa DILG matapos nilang atasan ang local officials na bawasan ang galaw ng mga indibidwal na wala pang bakuna.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang nasabing hakbangin ay para maprotektahan ang mga hindi pa bakunado mula sa COVID-19 sa gitna na rin nang muling pagsirit pa ng kaso ng nasabing virus.
Ang mga hindi pa aniya naturukan ng COVID-19 vaccine ay mas kritikal ang kondisyon at malaki ang posibilidad na maospital kaya’t hindi dapat ma-overwhelm ang health care system ng bansa.—sa panulat ni Airiam Sancho