Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na arestuhin at ipakulong ang sinumang nagbebenta ng COVID-19 drugs at iba pang uri ng gamot sa black market.
Tugon ito ni Pangulong Duterte matapos umapela sa publiko ang Food and Drug Administration na bumili lamang ng mga gamot mula sa mga FDA-licensed outlet.
Sa kanyang Talk to the People kahapon, iginiit ng Pangulo na hindi rin ligtas sa asunto kahit ang mga may-ari ng mga botika.