Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis sa Region 9 na kumuha ng kopya ng listahan ng mga ninja cops para hulihin.
Ito’y kasunod ng ginawang pagdalaw ng Pangulo sa Camp Col. Romeo Abendan sa Zamboanga City na headquarters ng PNP Region 9.
Nag-alok din ang Presidente ng 2 milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagturo o makakatimbog sa mga pulis na nagre-recycle ng nahuhuling shabu.
Pinag-iingat din ng Pangulong Duterte ang mga aarestong pulis dahil armado din aniya ang mga ninja cops.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AFP