Pormal nang iniutos ng Nueva Ecija Regional Trial Court ang pag-aresto sa dalawang recruiter ng Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso.
Sa isang pahinang warrant of arrest na inisyu ni presiding Judge Nelson Tribiana ng Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija RTC Branch 37. Ipinag-utos nito ang pag-aresto kina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao na kasalukuyang nakapiit sa NBI detention cell.
Walang inirekomendang piyansa si Judge Tribiana para sa pansamantalang paglaya nina Sergio at Lacanilao.
Nauna nang kinasuhan sa korte ng Department of Justice ang mag live-in partner ng large scale illegal recruitment o paglabag sa Section 6 ng Republic Act 8042 o “Migrants Workers Act of 1995” makaraang maghain ng reklamo ang may 14 na complainant na umano’y ni-recruit nina Sergio at Lacanilao.
By Bert Mozo / Meann Tanbio