Kinondena ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakay ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang anila’y iligal na pag-aresto sa lider ng kanilang grupo sa Caraga region.
Ayon sa PAMALAKAYA, walang katotohanan at gawa-gawa lamang ang kasong isinampa kay Rogelio De Asis, chairman ng PAMALAKAYA-Caraga at national auditor ng grupo.
Itinanggi ng PAMALAKAYA na miyembro ng rebeldeng grupo si De Asis dahil mismong ito ang nakikipag-ugnayan sa operasyon ng pulisya laban sa mga rebelde.
Binigyang diin pa ng grupo, si De Asis ay aktibong tiga pangasiwa ng kanilang regional chapter para isulong ang karapatan ng mga mangingisda at pagbibigay proteksyon sa yamang dagat.
Kaugnay nito, ipinananawagan ng pamalakaya ang agarang pagpapalaya kay De Asis gayundin ang malawakang pagpigil sa mga progresibong grupo sa Mindanao.