Nagpadala na ng quick response team ang Commission on Human Rights (CHR) para imbestigahan ang nangyaring pag-aresto ng pulisya sa tinaguriang ‘Pride 20’.
Ayon sa CHR, mariin nilang kinukondena ang anila’y hindi makataong pag-aresto ng mga pulis sa 20 lumahok sa pride march sa Mendiola, Maynila nutong biyernes.
Giit ng CHR, ang kasaysayan ng pride ay kasaysayan ng protesta at hindi dapat nahihiwalay sa iba pang usapin na kinahaharap ng lipunan tulad ng pagkontra sa anti-terrorism act at kahirapang dulot ng public health crisis.
Dahil dito, umaapila ang CHR sa mga awtoridad na palayain na ang mga inaresto sa ngalan ng malayang pamamahayag na ginagarantiya naman sa saligang batas.