Halos 4,000 indibidwal na ang natulungan ng SM Foundation incorporated para makapag aral at maging tulay ng Pag-asa tungo sa magandang buhay.
Kabilang dito si Charlene Joy Quintos na kumawala sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyong ibinahagi ng SM Foundation incorporated.
Si Charlene ay nagtapos ng accountacy sa University of Perpetual help system Jonelta-Isabela Campus at naging Certified Public Accountant nuong 2017 subalit nais pa niyang maging inspirasyon sa iba at patuloy na makapaglingkod sa komunidad kaya’t nag a aral muli sa pamamagitan ng kursong Bachelor of Laws.
Naniniwala si Charlene na ang pagtulong ay susi sa pag-unlad ng komunidad at ito rin ang nagtulak sa kanyang i pursige ang pagtatayo ng legal clinics sa Cauayan City para mabigyan ng hustisya ang mga nangangailangan.
Pinanghahawakan din ni Charlene ang pangarap niyang maging tulad ni Henry Sy, Sr. Na kahit kailan ay handang tumulong at maibigay ang oportunidad sa iba na makatulong din sa komunidad.