Nakasalalay pa rin sa implementasyon ang ika-tatagumpay ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Reaksyon ito ni dating Tawi-Tawi Governor Al Tillah matapos kapwa lumusot na sa third and final reading ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang BBL.
Nagpahayag ng pag-asa si Tillah na hindi matutulad ang BBL sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na aniya’y isang napakaganda rin namang batas.
“The thing happened with ARMM, (you know the) experience in the past, a series of sad litany of historical experience, it’s the driver that’s the problem, not the law.” Pahayag ni Tillah
(Balitang Todong Lakas Interview)