Ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-atake ng mga Chinese vessel sa mga barko ng Pilipinas na patungong Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, noong November 16.
Sa kanyang pagharap sa ASEAN-China Special Summit, kinundena rin ng pangulo ang nakasusuklam anyang ginawa ng China.
Ipina-alala ni Pangulong Duterte sa China ang naging desisyon ng permanent Court of Arbitration na pumapabor sa Pilipinas.
Nanawagan naman ang punong ehekutibo sa lahat ng claimants na iwasan ang tensyon at magtulungan tungo sa mapayapang resolusyon alinsunod sa batas. —sa panulat ni Drew Nacino