Kinondena ng Saudi Arabia ang umano’y pag-atake ng Houthis ng Yemen sa Riyadh gamit ang walong armed drones at tatlong ballistic missiles.
Sa pahayag na inilabas ng state news agency, inilarawan ng Saudi ang paglusob bilang “terroristic acts” na banta sa buhay at kaligtasan ng mga sibilyan.
Sinasabing nagkaroon ng dalawang malalakas na pagsabog sa Riyadh nitong Martes ng madaling araw pero wala namang iniulat na nasaktan o nasirang istraktura.