Kinondena ng Commission on Human Rights o CHR ang pag atake sa dalawang guro sa pampublikong paaralan sa Bukidnon.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, ang pag atake sa mga miyembro ng education union ay banta sa kalayaan sa pagbuo ng unyon at professional freedom.
Aniya, ang sunod- sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan ay mayroong epekto sa social at emotional growth ng mga estudyante.
Iginiit ng CHR ang mabilis at malalimang imbestigasyon para sa ikare resolba ng kaso.
Noong nakaraang linggo ay namatay ang mag asawang guro matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Valencia City, Bukidnon.