Inako ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang nangyaring pag-atake sa London na ikinasawi ng pito (7) katao noong Sabado.
Ayon sa Aamaq News Agency, konektado sa teroristang grupo ang tatlong (3) suspek na responsable sa pananagasa at pananaksak sa mga tao sa London bridge.
Matatandaang inaararo ng mga suspek ang mga tao sa kilalang tulay gamit ang isang van bago bumaba ng sasakyan at walang habas na manaksak.
Napatay din agad ng mga rumespondeng pulisya ang mga suspek.
Ito na ang ikatlong pag-atake sa London na inako ng ISIS ngayong taon.
By Krista de Dios
Pag-atake sa London Bridge inako ng ISIS was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882