Higit pang titindi ang mga pag-atake sa Malayang Pamamahayag sa bansa habang papalapit ang 2022 national elections.
Ayon ito kay Gilbert Andres ng Center for International Law dahil posibileng lumala ang problema nang paglaganap ng fake news para maitakda ang agenda sa mga botante na para aniyang nangyari nuong 2016.
Sinabi ni Andres na inaasahang mas lalaganap din ang mga troll army na magsisilbing makinarya para atakihin ang mga kritiko sa gobyerno.
Mayruon din aniyang mga legal na paraan para atakihin ang media tulad nang ginawa ng gobyerno sa dating media giant na ABS-CBN na hindi na binigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso at panggigipit sa Rappler.