Nabunyag na mayruon pang nilulutong mas malaking plano ang Maute Terrorist Group sa buong Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng Martial Law.
Ito’y ayon kay Prof. Rommel Banlaoi, Executive Director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research na nagsabi na ang pag-atake sa Marawi ay bahagi ng isang multi-national operation batay sa nakuha niyang intelligence report.
Pagsisiwalat pa ni Banlaoi, isang diversionary tactic lamang ang ginawang pag-atake ng Maute sa Marawi City lalo’t malaya nang nakapasok sa bansa ang mga dayuhang terorista gamit ang southern backdoor at maging ang mga pangunahing airport sa bansa.
Kaya lamang aniya lumaki ang gulo ay dahil bagama’t natiktikan na ng militar ang galaw ng Maute sa Mindanao, hindi naman nito nakita ang laki, lawak at determinasyon ng mga bandido na nagkuta sa lugar.
By: Jaymark Dagala