Pinondohan ng Islamic State ang mga terorista sa mahigit isang buwan nang bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief General Eduardo Año, ito ay sa pamamagitan ng Malaysian militant na si Mahmud Bin Ahmad na napatay din ng militar noong Hunyo 7.
Sinabi ni Año na nasa animnaraang libong (600,000) dolyar ang ipinaraan ng ISIS kay Mahmud para sa armas, pagkain at iba pang suplay na kinailangan ng mga umatake sa Marawi.
Naniniwala din ang opisyal na galing sa droga ang ibinibigay na pondo ng ISIS.