Inako ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang nangyaring pag-atake at pamamaril sa mga sibilyan sa timog silangang bahagi ng Baghdad.
Ayon sa ulat ng Baghdad Local Media, hindi bababa sa lima katao ang namatay habang nasa 28 ang sugatan nang biglang mamaril ang dalawang attackers.
Ayon sa Iraqi Interior Ministry, pinasabog pa ng isa sa dalawang suspek ang kanyang sarili habang napatay naman ang isa ng mga security forces.
Inanunsyo naman ng ISIS sa pamamagitan Amaq News Agency na mga 30 miyembro ng Shi’ite Paramilitaries na popular mobilization force ang kanilang napatay sa nasabing atake.
—-