Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte maging ng Uniteam Coalition ang pag-atras ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senatorial Elections sa 2022.
Ayon kay Mayor Inday, ang filing of candidacy at withdrawal ay personal na desisyon ng pangulo.
Sinuportahan din ng presidential daughter ang withdrawal ni Senator Bong Go ng kanyang presidential bid.
Magugunitang ini-atras ni Pangulong Duterte ang kanyang senatorial bid ilang oras matapos ang pormal ding pag-atras ni Go sa kanyang certificate of candidacy para sa pagka-pangulo.