Agad ipinag-utos ni Environment Secretary Gina Lopez ang pag-audit sa lahat ng minahan sa bansa.
Sa unang araw ng trabaho nito, inilabas Department of Environment and Natural Resources ang order para sa lahat ng mga minahan.
Direktiba raw mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing audit.
Ipapadala ang Department Order sa Regional at Central Audit teams ng DENR upang maumpisahan na ang audit ng mga Mining area sa Pilipinas.
Kapag nakitaan ng paglabag ang mga minahan sa, posible umanong ipasara ang mga ito.
Nanindigan si Lopez na kailangan nang baguhin ang paraan ng pagmimina sa bansa para sa kapakanan ng kalikasan.
By: Avee Devierte