Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang kanilang pag-aaudit sa mga tinatanggap na pondo ng mga kandidato.
Kasunod nito, pinagsusumite ni BIR Commissioner Kim Henares ang mga media outfits na magpasa ng kanilang ulat hinggil sa mga political ads na kanilang tinatanggap.
Saklaw ng nasabing kautusan ang mga himpilan ng telebisyon, radyo, peryodiko gayundin ang mga online news agencies.
Layon nito ani Henares ay para i-exempt sa tax ang lahat ng mga donasyong ginastos sa kabuuan ng panahon ng kampaniya alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7166.
By Jaymark Dagala