Hindi dapat maging daan ang pag-ukupa ng iligal para lamang maging recipient ng housing project ng gobyerno.
Binigyang diin ito ni Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Committee Chair JV Ejercito bagamat natutuwa aniya siya sa simpatiya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mahihirap at walang tahanang miyembro ng Kadamay.
Ayon kay Ejercito, kontra siya sa anumang uri nang pangho-hostage sa government projects para lamang mabigyang katuwiran ang kanilang pangangailangan para sa bahay maliban lamang sa panahon ng kalamidad.
Dapat pa rin aniyang dumaan sa tamang proseso ang pag turn-over at pag a-award ng housing units sa mga miyembro ng Kadamay at mahalagang sumunod ang mga ito sa tamang proseso para hindi pamarisan ng ibang grupo na humihirit din ng pabahay sa gobyerno
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno