Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na i-ban sa Malacañang si Pia Ranada ng Rappler.
Ayon kay Roque, nawalan na ng tiwala ang Pangulo kay Ranada at sa Rappler dahil sa aniya ay fake news na inilalabas nito.
Tinukoy ni Roque ang investigative report ng Rappler hinggil sa di umano’y pakikialam ni Special Assistant to the President Bong Go sa frigate deal.
Sinabi ni Roque na napatunayan namang fake news ang artikulo ng Rappler kay Go dahil itinanggi na ito sa imbestigasyon ng Senado.
Maliban sa wala aniyang tiwala ang Pangulo sa Rappler, isa ring rason ang pagtanggal ng Securities and Exchange Commission o SEC sa lisensya ng Rappler.
—-