Ikinagalak ng Department of Health (DOH) ang ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na ban sa pag-gamit ng vape.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, walang anomang health benefit ang pag gamit ng vape at hindi rin safe ang pag gamit nito.
Aniya, hindi tulad ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo na matagal bago lumabas ang sakit na evali o e- cigarettes and vape–associated lung injury ay sakit na agad na mararamdaman ng mga gumagamit ng vape.
Hindi naman rin aniya maaring ipayo ang vape para sa mga indibidwal na nagnanais na tumigil sa paninigarilyo.