Isinusulong ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) advocate group na hindi na dapat pang papasukin sa bansa o i-ban na ang mga employer na mapang-abuso sa mga OFW.
Sinabi ito ni Susan Toots Ople, pangulo ng Blas Ople Policy Center kasunod ng sinapit ng isang OFW na si Thelma Oyasan Gawidan matapos umanong gutumin o hindi bigyan ng sapat na pagkain ng kaniyang mga Singaporean employers.
Ayon kay Ople, dapat maipagbigay alam agad ng mga embahada o kunsulado ng Pilipinas sa Bureau of Immigration at sa Philippine Overseas Employment Administration ang mga kaso ng pagmamaltrato, pang-aabuso at pag- aalipin sa mga Pinoy sa abroad upang hindi na papasukin pa sa bansa ang mga banyagang gumagawa nito.
Bukod dito, nanawagan din siya sa mas istriktong proseso ng pagsasala sa mga banyagang employer na naghahanap ng mga Pilipinong domestic helper.
Magugunita na tanging mga instant noodles lamang ang ipinapakain kay Gawidan ng kaniyang Singaporean employers.
By Allan Francisco