Ipinag-utos ng Iran ang pag-ban sa mga produkto ng Saudi Arabia.
Sa ulat ng Islamic Republic News Agency o IRNA, sakop ng import ban ang lahat ng mga produktong nanggagaling sa Saudi.
Ginawa ng Iran ang hakbang sa gitna ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Una rito, ipinag-utos na ng Saudi ang pagbabawal sa biyahe ng mga eropano patungong Iran at gayundin ang pagpasok ng mga Iranian nationals sa kanilang teritoryo.
Magugunitang umasim ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos gawaran ng parusang kamatayan ng Saudi ang ilang Shiite Muslim leaders kamakailan.
Somalia
Pinutol naman ng Somali Government ang diplomatikong pakikipag-ugnayan nito sa Iran.
Ito’y kasunod na rin ng pag-atake ng mga protesters sa Saudi Arabian Embassy sa Tehran.
Ayon sa Ministry of Foreign Affairs and Investment Promotion, ipinagbigay-alam na nito sa lahat ng mga embahador ng Iran na tinapos na nito ang diplomatic ties ng dalawang bansa.
Dahil dito, lahat ng mga diplomats at embassy staff ng Iran ay inatasan ng Somalia na umalis na sa kanilang bansa sa loob ng 72 oras.
By Jelbert Perdez