Pinapayagan na ang Interzonal travel o pagbiyahe sa labas ng National Capital Region (NCR).
Ito’y batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakapaloob sa kautusan, maaari nang bumiyahe ang mga point-to-point travel sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) walang age restrictions.
Samantala, ang mga kabataan na nasa 18 pababa at matatandang nasa 65 pataas ay kinakailang magpakita ng negative result ng PRT-PCR test bago bumiyahe.
Bukod dito, nasa 10% lamang ang pinapayagan sa mga venue capacity at nasa LGU na kung itataas ang bilang ng mga kapasidad.