Umani ng batikos ang pag-block ng National Telecommunications Commission (NTC) sa 2 news websites at 26 na iba pa, bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra-terorismo.
Alinsunod ito sa hiling ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa NTC na i-takedown ang 26 na websites dahil “may kaugnayan at sinusuportahan” umano ng mga ito ang mga rebeldeng komunista.
Gayunman, nadamay ang ilang alternative media sites, tulad ng Bulatlat at Pinoyweekly, na kapwa lehitimong organisasyon ng mga mamamahayag na hindi designated bilang terorista ng anti-terrorism council.
Kinundena naman ng Bulatlat at Pinoyweekly ang nasabing hakbang ng gobyerno na anila’y paglabag sa rights to freedom of the press, speech at expression.
Pinalagan din ng National Union of Journalists of the Philippines ang nangyaring atake, lalo’t arbitrary” umano ang pagkakadagdag ng Bulatlat, Pinoyweekly at iba pa sa listahan ng NTC Dahil umano sa “pagsuporta” sa CPP-NPA-NDFP.