Mayroong ligal na batayan sa ilalim ng Anti-Terror Act ang pag-block ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mahigit 20 websites.
Ito, ayon kay Senator Panfilo Lacson, ay kung ang mga ipina-block na website ay may kinalaman sa pagpopondo sa aktibidad ng NDF-CPP-NPA.
Sa ilalim anya ng Anti-Terror Law, ang NDF-CPP-NPA ay itinalaga bilang teroristang grupo.
Gayunman, inihayag ng senador na karapatan ng mga na-agrabyado sa naturang hakbang na kwestyunin ito sa Korte dahil may kaugnayan ito sa interpretasyon ng batas.
Si Lacson ay isa sa mga author at nag-sponsor ng Anti-Terror Act sa mataas na kapulungan ng Kongreso.