Isinusulong ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa National Telecommunications Commission ang pag block o pagharang sa access sa mga website ng CPP-NPA-NDF.
Kabilang dito, ayon kay Esperon ang mga website ng mga progresibong grupo at independent media tulad ng Bulatlat at Pinoy Weekly.
Wala namang ibinigay na dahilan si Esperon sa kahilingang ma-block ang access sa mga naturang websites na aniya’y may koneksyon at sumusuporta sa mga terorista at grupo ng mga ito.