Inihayag ni Committee on Electoral Reforms vice chairman senator Koko Pimentel na sang-ayon siya sa mga panawagan na repasuhin o buwagin na ang party-list system sa bansa.
Ayon kay Pimentel, parang kabute na nagsulputan ang mga party-list groups at malayo na ang tunay na intensyon nito sa layunin ng kanilang mga kinatawan.
Ngunit binigyang-diin nito na mangangailangan ng pag-amyenda sa ating saligang batas bago mabuwag ang naturang sistema.
Samantala, maaari aniya itong isulong sa 19th Congress, ngunit depende pa rin ito kung kasama ang charter change sa mga proyoridad ng paparating na administrasyon.